Buhay na nagpapatunay… Katarungan
Bro. Jheng Garcia [Vietnam]
“Pagmamahalan, kapayapaan, katarungan”, yan ang binabangit natin sa huling linya ng ating CV Theme song.
Naisip ko mabigat na responsibilidad ang mga salitang nabanggit. Sige kanta lang, kakayanin natin to. Madaling maintindihan ang salitang pagmamahalan at kapayapaan dahil sa paniniwala ko, ito ay magagawa sa ating sarili ng walang pangangambang may masasaktan. Subalit ang salitang katarungan ay madalas na napapagwalang bahala. Bakit kaya?
Sa simpleng pananaw ng Kristiano, ang katarungan ay pagkakahiwalay/pagkakaiba ng taong nag mamahal at ng LUBOS na nagmamahal. Sa isang banda, kahit na lulong pa din sa bisyo si friend, boss, kapatid, asawa, anak (maaring sugal, alak, sex, o anu mang gawi na sisisra sa moral at pisikal na katauyan ng tao) tinatanggap natin ito dahil sa ating silang minamahal. At may pagkakataon, ayaw natin na masasaktan natin sila sa ating sasabihin o gagawin. Tumpak! tama po, yan nga ang gagawin.



